RSS

WWWTP Series

Unknown Filed Under: Labels:
Naintriga ba kayo sa title ng post ko? Ako rin eh, hehehehe. Anyway, ang ibig sabihin po ng WWWTP ay "What's Wrong With This Picture?". Koleksyon ko po ito ng mga nakakainis pero nakakatuwang bagay-bagay na nakikita ko sa daan habang naglalakad o kaya's nakasakay sa bus.

Para sa una ko pong litrato, kung sa akala nyo po ay pancit lang o kaya spaghetti ang pwedeng sala-salabat, nagkakamali po kayo.


Kuha po ito sa kahabaan ng Batasan Road sa Quezon City na kung saan nakikisabit ang mga cable operators, communication providers at kung sinu-sino pa sa poste ng kuryente kaya eto ang nangyayari. Kaya po bilib na bilib ako sa mga technician ng mga kumpanyang ito. Bakit ba kanyo? Aba'y mantakin nyo, kaya nilang kilalanin kung alin ang mga linyang may sira kahit ganitong sala-salabat mga kable nila.

Ang titindi nyo, mga tsong!

edit post

735

Unknown Filed Under: Labels:
Ito ang oras nang mangyari ang isang kakila-kilabot na aksidente habang papasok ako sa opisina. Naglalakad ako nun sa kahabaan ng NIA Road nang may bigla akong narinig na parang matigas na plastic na humampas sa isang bagay na sinabayan ng sigaw ng isang babae. Paglingon ko, nakitang ko ang isang motorsiklo na bagsak sa kalsada habang ang driver nito ay naipit ang binti at nakadapa rin sa kalsada. Pilit nyang bumabangon pero iniinda nya ang kaliwa nyang braso. Babae ito, may hitsura, mga early 20's, walang helmet. Di kalayuan, pilit tumatayo ng nabundol nya. Bata, mga 2 - 3 years old, may putok sa bandang kanang noo. Napag-alaman ko na biglang tumawid ang bata at dahil sa may kabilisan ang pagpapatakbo ng motor, di na nya nagawang makapagpreno kaya nabundol ang bata. Maiiwasan sana ito kung nagng marahan sa pagpapatakbo ang driver dahil kilala ang lugar na ito na maraming mga bata at kung naging mapag-alaga naman sana ang mga magulang ng bata at di pabayaan ang kanilang anak na maglaro sa kalye.


(paki-click lang ng picture kung gusto mo ng mas malaki)

Tinatawagan ko ang local government ng Quezon City dahil matagal nang problema itong lugar na ito. Sana ay magawan nila ng paraan para huwag magpakalat-kalat ang mga bata sa kalye dahil talaga namang daanan ng mga sasakyan ang lugar na ito. Kung hindi sila kayang pigilan, dapat siguro ay hindi kalye ang nilagay nila dito kungdi playground at lagyan na rin ng bakod. Gwardya na lang ang kulang, para na rin silang nakatira sa exclusive subdivision.

Nakapagtataka lamang dahil parang mas marami ang tumulong sa magandang driver kaysa sa bata na akay-akay ng kanyang ama at sumisigaw para makatawag ng taxi upang maidala ang kanyang anak sa ospital. Kung lalaki siguro yung driver, malamang bugbog-sarado yun.

Ang tindi nito mga tsong!

edit post

Upuan

Unknown Filed Under: Labels:
"Kayo po na naka upo, 
Subukan nyo namang tumayo, 
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko"





Habang nagba-browse ako sa youtube, nakita ko itong kanta na may title na "Upuan". Naintriga ako at matapos kong panoorin, napamura ako sa ganda ng lyrics. Gademit, ito ang kanta! Ito dapat ang pinapatugtog sa piped-in music ng House of Representatives at sa Senate. Nakabuod na rito ang totoong kalagayan nating mga Pilipino na pilit namumuhay kahit sadlak na sa kahirapan samantalang ang mga makakapal ang mukhang pulitiko lang ang mga yumayaman. Nyay, naging political ang blog? Sensya na po, nadala lang. 'Di ko lang kasi maintindihan kung ano bang meron pag pulitiko ka? Oo nga may pera, impluwensiya, prestige at higit sa lahat, power. Pero di ba nila alam ang kasabihang "with great power comes great responsibility"? Iyon ang di nila kayang gampanan kasi sa kanila yung unang tatlo lang naman ang importante. Haaaaay, iupo sana kayo doon sa isang klaseng upuan......yung may kuryente.

Kaya sa Glock 9, ang titindi nyo mga tsong!

Pahabol: Sa mga nag-like po ng blog ko, maraming salamat (kahit alam kong napakiusapan lang kayo ng mahal kong Misis) at umasa po kayong pipilitin kong makagawa ng mga makabuluhang blog  sa darating na mga araw.

edit post