RSS

Perstaym Ko!

Pilosopong Dacio Filed Under: Labels:
Nagtataka siguro kayo kung sino na naman itong damuhong baguhan na ito na naglalakas-loob na sumulat ng isang blog at makipagsabayan sa mga marami nang bloggers: mga food blogger, photo blogger, travel blogger, social blogger at kung anu-ano pa. Ako, di ko pa alam kung magiging anong klaseng blogger ako basta magsusulat ako ng kung anu-anong katindihan at malay nyo, pagkakitaan ko ito. Actually, ito naman talaga ang purpose ko kung bakit gumawa na rin ng blog: ang kumita. Maaaring matagalan pa pero ok lang, darating tayo diyan. Si Misis ang naging inspirasyon ko sa pagba-blog (www.topicsonearth.com, www.momsupsndowns.com, www.healthyvain.com) dahil bukod sa nasasabi nya ang nararamdaman niya sa araw-araw ay nagkakaroon siya ng maraming kaibigan. Sumunod naman si Utol (www.pinaymom-in-germany.com, www.onlinebizandresources.info, www.mykids-in-germany.com) na natututo na rin at ngayon ay marami na ring kaibigan online. Sila ang nag-encourage sa akin na gumawa na rin ng blog tutal naman daw ay pumapasok ako araw-araw at siguradong marami akong katindihang makikita.

At para sa unang post ko, tungkol ito sa aking bisyo.  Ang bisyong ilang taon ko nang gustong itigil dahil na rin sa unti-unting pagdami ng mga nararamdaman kong sakit sa katawan ko ngunit di ko magawa. Sadya itong nakaka-adik, para bagang lalo kang nasasarapan habang nasasaktan. Ang tinutukoy ko ay ang basketball. Yup, wala na yatang mas titindi pang isport para sa akin at para sa buong Pilipinas kungdi basketball. I'm a Bmeg Llamados fan pero laglag na sila kaya pahinga muna sa panonood. Sabi ko pa nga, kawawa naman PBA dahil laglag din ang Ginebra which means walang manonood. Yun ang akala ko. After 6 playing games na labanan ng llamado at dehado, meron pa bang mas titindi sa laban ngayong Miyerkoles, ika-18 ng Enero? Ito po ay double header, parehong Semifinals Game 7 sa pagitan ni Gabe Norwood kasama ang Rain or Shine at Gary David kakampi ang Powerade Tigers. Sa second game naman ay ang Talk and Text na pinamumunuan ni Jimmy Alapag at Petron Boosters kakampi si Arwind Santos.

larawan mula sa pba.ph

Natutuwa ako para sa PBA dahil marami pa ring tumangkilik kahit di na kasali ang mga sikat na koponan at nakakabawi na ang PBA in terms of gate receipts which means move revenues for the ballclubs para na rin matustusan ang gastos ng kani-kanilang team.

Sa mga matitikas na manlalaro ng PBA, ang titindi n'yo, mga tsong!

edit post

5 Responses to "Perstaym Ko!"

  1. Rossel Says:
  2. Welcome po to blogosphere. Hmmm...magiging anong klaseng blogger ka nga kaya?

    Naku sigurado hindi ka na naman makakusap sa game 7. Hmmmp!
  3. sHeNgKaY Says:
  4. Welcome to blogosphere daddy dacio?..
    enjoy!..ako mag one year ba in blogging..but still newbie pa rin ang feeling ko..
  5. c5 @ globalrecycledproducts.com Says:
  6. Sa pagkakakaalam ko magaling ka sa graphics...pwede mo i-blog yun...maiiba ka dahil tagalog ang blog mo... :)
  7. nuts Says:
  8. galing, congrats! me pinoy blog din ako, but i temporarily closed it, dahil diko nau-update! welcome to blogosphere!
  9. Rachelle Says:
  10. nyahaha! ayan.. dapat ako ung unang nagcomment e! ay, pangalawa pala. anyway, congrats on your new blog. sisiw naman na sayo 'to e, wala lang oras. thanks for linking in my sites. weeeeeh!!!
    I wish I'll see here the kind of writing I've known you for. yung malupet ba! :D